Sa kaniyang mahabang post sa Facebook, sinabi nitong bawal sa PAL ang musical instruments sa carry-on baggage.
Ipinagbabawal ng PAL ang pagdadala ng musical instruments bilang carry-on baggage maliban lang sa ukuleles.
Sa kaniyang Facebook post noon, nagtanong si orchestral conductor Gerard Salonga sa airline company kung bakit bawal sa hand carry ang musical instruments at ang sinagot ng PAL ay dahil sa limitado lamang ang “overhead space” sa eroplano at para na rin sa “passenger safety.”
Ayon kay Seguerra, hindi niya maunawaan ang rason na ito ng PAL.
Sa liit aniya ng cabin ng eroplano, napakahirap namang makapanakit gamit ang gitara.
Hindi rin aniya dahilan ang limitadong espasyo dahil kasya naman sa overhead cabin.
Ayon kay Seguerra sana ay maging bukas naman ang PAL sa dayalogo at muling pag-aralan ang polisiya.