8 arestado sa Lapu-Lapu City, Cebu dahil sa ilegal na pagbebenta ng produktong petrolyo

Naaresto ng mga tauhan ng City Mobile Force Company (CMFC) ng Lapu-Lapu City Police Office (LCPO) ang walong lalaki na ilegal na nagbebenta ng produktong petrolyo.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Dexter Calacar, hepe ng CMFC, dinakip ang mga suspek sa paglabag sa Presidential Decree No. 1865 o illegal trade of petroleum products sa Sitio Soong Center, Barangay Mactan, Lapu-Lapu City.

Nakatanggap ng sumbong ang mga pulis na mula sa isang concerned citizen hinggil sa mga lalaking nagrerenta sa isang bahay na at maraming LPG tanks sa loob.

Ayon kay Calacar, nagrereklamo ang mga residente sa hindi magandang amoy mula sa bahay.

Nang dumating sa bahay, nadatnan ang mga suspek at ang 16 na LPG-gasul tanks, 12 empty tanks at apat na loaded tanks.

May nakuha ring 2,900 na piraso ng butane canisters at 192 ay may laman.

Kinilala ang mga nadakip na sina Dionesio Suplaag, 48; Randy Suplaag 44; Gleen Nuñez, 26; Angelou Cal, 20; Anthony Rey Cal, 23;Arjay Hatamosa 20; Ricky Torrejas, 18 at Aljun Torrejas, 22.

Pawang nakakulong na sa LLCPO detention facility ang walo.

Read more...