Korean actors Park Seo Joon at Jung Hae In dumating na sa bansa para sa fan meet

Nasa bansa na si Korean superstar Park Seo Joon.

Ang aktor na celebrity endorser ng Bench ay may fan meet sa Mall of Asia Arena sa Linggo, Sept. 29.

Naging tanyag ang aktor sa mga serye na “What’s Wrong with Secretary Kim” at “Fight for my Way,” gayundin sa pelikulang “Midnight Runners” at Divine Fury.”

Samantala, sa post naman ng local promoter na Wilbros Live, ibinahagi din ang pagdating sa bansa ni Jung Hae In.

Si Jung Hae In ay mayroong “One Summer Night” fan meeting na gaganapin naman bukas, araw ng Sabado, Sept. 28 sa New Frontier Theater.

Read more...