Mga ahensya ng pamahalaan inatasang suportahan ang 2019 National Crime Prevention Program

Inatasan ng Malakanyang ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na suportahan ang 2019 National Crime Prevention Program.

Sa nilagdaang memorandum circular ni Executive Sec. Salvador Medialdea, nakasaad na sa ilalim ng Republic Act 6975 o ang Department of Interior and Local Government Act of 1990, inaatasan ang National Police Commission (NAPOLCOM) na magrekomenda ng crime prevention program.

Binuo ng NAPOLCOM ang 2019 National Crime Prevention Program o NCPP para makagawa ng mga hakbang at estratehiya kontra krimen, at para matiyak ang seguridad at peace and order.

Nakasaad sa circular na upang masiguro ang tagumpay ng 2019 NCPP, kinakailangang tumulong ang lahat ng sangay ng gobyerno para matugunan ang krimen sa bansa.

Kabilang sa inaatasang tumulong ang mga lokal na pamahalaan.

Nilagdaan ni Medialdea ang naturang kautusan noong Sept. 23, 2019.

Read more...