Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Interior Undersecretary Martin Diño, sa sandaling matapos ang deadline agad na magpapalabas ng show cause order ang DILG laban sa mga hindi sumunod na lokal na opisyal.
Susundan ito ng pagsasampa na ng kaso sa Office of the Ombudsman.
Si Interior Sec. Eduardo Año na aniya ang nagsabing walang extension na ibibigay matapos ang deadline.
Dagdag pa ni Diño hindi lamang sa Metro Manila nangyari ang clearing operations, sa halip ay lahat ng lokal na opisyal sa buong bansa ay kumilos.
Ani Diño, pagkatapos ng deadline ay hindi doon magtatapos ang trabaho ng mga lokal na pamahalaan dahil kailangan nilang panatilihin ang pag-alis sa lahat ng obstruction.