Handwritten letter ni Darwin Dormitorio na nagdedetalye ng dinanas niyang pananakit inilabas ng pulisya

Isang handwritten letter ang inilabas ng pulisya kung saan ikinukwento ni Darwin Dormitorio ang sinapit niyang pananakit umano mula sa kaniyang upperclassmen.

Ang liham ay may petsang August 21, 2019 halos isang buwan bago pumanaw si Dormitorio.

Sa nasabing liham, nakasaad na sinakdan siya nina 3rd class Cadets Shalimar Imperial at Felix Lumbag at isang Cadet Manalo dahil sa paggasta niya sa kaniyang allowance.

Inatasan umano siyang magsagawa ng “pumping exercises” at “bridge under bunks” at nakaranas din siya ng pananakit mula sa mga kadete.

Nakasaad sa sulat na ilang beses siyang nahulog at bumagsak sa sahig.

Galit na galit umano si Cadet Lumbag kaya pinataas ang kaniyang kamay at ilang beses siyang sinuntok sa kaniyang katawan partikular sa rib part.

Naospital din si Dormitorio noong buwan ng Agosto.

Sina Imperial at Lumbag ay kapwa na-dismiss na dahil sa partisipasyon sa hazing.

 

Read more...