Sa weather advisory alas 5:00 Biyernes ng umaga, huling namataan ang Tropical Depression 1,685 kilometers silangan ng Kabisayaan.
Mababa ang tsansa na maglandfall ito sa anumang landmass ng bansa pero maaaring lumapit sa dulong bahagi ng Hilagang Luzon.
Posible naman itong lumakas dahil nasa Karagatang Pasipiko pa at maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) Sabado ng umaga.
Samantala, maulap na panahon ang iiral sa Northern Luzon kabilang ang Metro Manila dahil sa northeasterly surface windflow.
Asahan ang isolated rainshowers bunsod ng localized thunderstorms sa Kalakhang Maynila ngayong araw ng Biyernes.
Asahan naman ang pag-uulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at lalawigan ng Aurora na may isolated thunderstorms.