Motorcycle rider patay sa pagsalpok sa tulay sa Pasig

Dead-on-the-spot ang isang motorcycle rider makaraang sumalpok sa barrier ng San Joaquin Bridge, Brgy. Bambang, Pasig, araw ng Huwebes.

Kinilala ang rider na si Francis Mercene, 61 anyos, na binabaybay ang direksyon patungong Plaza Rizal.

Ayon sa imbestigasyon, nag-overshoot ang motorsiklo ng senior citizen sa pakurbadang bahagi ng tulay.

Dahil dito, sumabit ang motorsiklo sa konkretong harang ng San Joaquin Bridge.

Tumilapon si Mercene at sa pagbagsak ay unang tumama ang ulo na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Hindi naman mabilis ang pagpapatakbo ng biktima batay sa kuha ng CCTV at hindi rin ito lasing ayon sa mga taga-baranggay.

 

Read more...