Sa isang press statement, sinegundahan ni MMDA spokesperson Celine Pialago ang ulat ng Asian Development Bank (ADB) ukol sa traffic congestion sa capital region ng bansa.
Ayon sa MMDA official, 410,000 sasakyan ang dumadaan sa EDSA kada araw at maraming malls, bus terminals, paaralan, perpendicular roads sa kahabaan nito bukod pa sa mataas na day time population.
Pero sinabi ni Pialago na sinusubukan naman ng MMDA na makontrol ang pagsikip ng trapiko ngunit talagang resulta ito ng overcrowding higit sa iba pang salik.
“The MMDA attempts to control street traffic, but it is all a result of the overcrowding of the metro, so much more needs to be done,” ani Pialago.
Dagdag pa ng MMDA spokesperson, napakaraming dapat gawin bukod pa sa mga tinutugunan ng traffic authorities.
Ayon sa pag-aaral ng ADB, ang Metro Manila ang most congested natural city sa Asya sa mga lungsod na may populasyon na higit limang milyon.