Alden Richards muling nakamit ang parangal na ‘Sexiest Man in the Philippines’

Starmometer photo

Muling pinili ng mga netizens si Alden Richards bilang “Sexiest Man in the Philippines” sa ikalawang sunod na taon.

Si Alden ang napili sa online poll ng entertainment website na Starmometer.

Naitala ng aktor ang 56.9 percent na boto para tanghaling pinaka-sexy sa mga lalaking celebrities sa bansa.

Naging criteria ng netizens sa pagpili ng hottest male celebrities sa bansa ang kasikatan, pangangatawan at charm.

Una nang itinanghal si Alden na “Sexiest Man in the Philippines” noong nakaraang taon.

Pumangalawa kay Alden si Daniel Padilla habang pasok din sa top 10 sina Enrique Gil, Dingdong Dantes, James Reid, Derek Ramsay, Carlo Aquino, Coco Martin, Marco Gumabao at Erwan Heussaff.

 

Read more...