Hakbang ito ni PMA corps commandant Brig. Gen. Romeo Brawner kasunod ng pagkamatay sa hazing ni Darwin Dormitorio at pagka-ospital ng ilan pang kapwa-kadete nito dahil sa maltreatment.
“As the new commandant of cadets let me proclaim this — I am declaring a war on hazing. And I expect everyone under my jurisdiction, especially the Cadet Corps to toe the line,” pahayag ni Brawner kasabay ng pag-upo nito sa pwesto araw ng Huwebes.
Sinabihan ni Brawner ang mga kadete na umalis na lang sa PMA kung hindi nila lalabanan ang hazing.
Hindi anya kailangan sa PMA ang mga kadete na nagmamaltrato sa kanilang mga kapwa-kadete.
Gayunman ay aminado si Brawner na kailangan ng PMA ng mga reporma.
Bagamat kailangan ang national approach sa pagsawata ng hazing, sinabi ni Brawner na ang kanyang hakbang ay naka-focus sa mga problema na kaya niyang matugunan bilang opisyal ng PMA.
Mula sa kanyang pwesto bilang tagapagsalita ng Task Force Marawi, itinalaga si Brawner bilang bagong PMA corps commandant kapalit ng nagbitiw na si Brig. Gen. Bartolome Bacarro.