No.3 most wanted kidnapper ng Mindanao timbog sa Zamboaga Sibugay

PNP-AKG photo

Naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police – Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang third most wanted kidnapper ng Mindanao sa raid na isinagawa sa Zamboanga Sibugay.

Ayon kay AKG director Col. Jonnel Estomo, ang suspek ay nakilalang si Nasirin Baladji, preacher at miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Isinagawa ang raid sa mismong bahay ni Baladji sa bayan ng Kabasalan sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Zamboanga Sibugay Regional Trial Court Branch 31.

Nasa likod si Baladji ng pagdukot kina Rolando Del Torchio sa Dipolog City noong October 7, 2015; Elmer Romoc noong August 5, 2015 sa Dipolog City; at sa Jordanian journalist na si Baker Atyani sa Jolo, Sulu noong June 12, 2012.

Anim na buwang isinailalim sa surveillance ang suspek.

Ayon kay Estomo, ang pag-aresto ay sa gitna ng pagpapaiggting ng PNP-AKG sa mga operasyon laban sa mga kidnappers na may warrant of arrest.

 

Read more...