Kuya Germs, pumanaw na

Inquirer file photo

Sumakabilang-buhay na ang premyadong komedyante at TV show host na si German “Kuya Germs” Moreno.

Sa statement ng pamangkin nito at kapwa TV host na si John Nite, pumanaw si Kuya Germs dakong alas 3:20 ngayong madaling-araw sanhi ng cardiac arrest.

Ang 82-anyos na si Kuya Germs ang nagpasikat ng ilang mga premyadong artista sa pamamagitan ng kanyang mga dating TV show na ‘That’s Entertainment’.

Host din ito  ng programang ‘Walang Tulugan’.

Noong nakaraang taon, na-stroke si Kuya Germs ngunit bumalik din ito sa pag-host ng kanyang mga program sa telebisyon at radyo.

Agad namang bumuhos ang pakikiramay sa pamilya ng namayapang si Kuya Germs.

Read more...