Ito ang naging tugon ni Lacson matapos hikayatin nina House Majority Leader Martin Romualdez at Capiz 2nd District Rep. Fredenil Castro na ilabas ang pagkakakilanlan ng kaniyang source kaugnay sa mga akusasyon.
Sa panayam sa media, iginiit din ni Lacson na hindi siya hihingi ng tawad dahil binabantayan lamang aniya niya ang pondo ng bansa.
Bwelta pa nito, ang dapat humingi ng tawad ay ang mga kongresista na wala aniyang tigil at walang kahihiyan sa pag-abuso sa pondo ng bansa.
Matatandaang inihayag ni Lacson na mayroong tig-P1.5 bilyon ang bawat isa sa 22 deputy speakers ng Kamara sa 2020 budget.