2 jail guard, sugatan sa nangyaring komosyon sa Pasay City jail

Sugatan ang dalawang jail guard makaraang magkaroon ng komosyon sa loob ng Pasay City jail, Huwebes ng hapon.

Ayon kay Jail Chief Insp. Xavier Solda, tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), nagkaroon ng komosyon sa 12 preso matapos tumangging magpalipat ng kulungan.

Tinamaan aniya ng mga monoblock chair at ilang parte ng water dispenser ang mga sugatang jail guard na sina Jail Officer 1 Jeremy Addawe at Jail Officer 1 Jessie Boy Alverio.

Agad naman aniyang naisugod ang mga sugatang jail guard sa ospital.

Read more...