Tumama ang magnitude 3.7 na lindol sa Sarangani, Huwebes ng hapon.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 17 kilometers Southeast ng Alabel bandang 4:47 ng hapon.
May lalim ang lindol na 29 kilometers at tectonic ang origin.
Dahil dito, naramdaman ang intensity 2 sa Alabel, Sarangani habang intensity 1 naman sa General Santos City.
Samantala, naitala ang instrumental intensity 2 sa Alabel, Sarangani at General Santos City.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES