Sexual harassment laban kay George San Mateo ng PISTON, ibinulgar

Ibinunyag ng isang dating miyembro ng grupong Anakbayan ang ginawang sexual harassment sa kanya ni dating PISTON National President George San Mateo.

Ayon sa babaeng biktima, taong 2014 pa ginawa ni San Mateo ang pangha-harass sa kanya sa pamamagitan ng social media.

Graduating anya ito sa kolehiyo sa Lyceum of the Philippines noon nang makatanggap ng mga mensahe mula kay San Mateo dahil nagkikita naman sila sa mga rally.

Matapos anya siyang makagraduate sa kolehiyo ay binati siya ni San Mateo na sinagot naman niya ng pasasalamat.

Dumating anya sa punto na nagtatanong si San Mateo kung ano ang suot nito na underwear dahil sa mga oras na iyon ay naka boxer shorts lamang siya.

Base sa chat message ni San Mateo, nais lamang nito na ma-imagine kung ano ang itsura nito pero dahil hindi ito sinasagot, ang magandang larawan na lamang anya nito ang kanyang pagpapantasyahan.

Matapos ito ay binlock na nya sa facebook si San Mateo dahil sa kabastusan.

Nagsampa anya siya ng reklamo sa Anakbayan para ito ang magparating sa PISTON pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari.

Nangangamba rin ito na baka marami pa itong mabiktima sa loob ng organisasyon kaya naman panawagan nito sa iba pang biktima na lumantad na para mahinto na ginagawang kahalayan ni San Mateo.

Kaugnay nito, hindi pa humihingi ng paumanhin sa biktima si San Mateo kaugnay sa sexual harassment na ginawa nito sa kanya.

Sinabi naman ni Mody Floranda, National President ng PISTON na wala pang nakararating sa kanyang kaalaman ukol sa reklamo laban sa dati nilang lider.

Kapag napatunayan naman anya na totoo ang ibinibintang kay San Mateo ay gagawa sila ng aksyon.

Pinilit kunin ng Radyo Inquirer ang panig ni San Mateo pero hindi ito sumasagot sa mga tawag at text.

Read more...