Grupong ACT nababahala sa lalong pagliit ng bilang ng mga guro sa bansa

Nababahala ang grupong Alliance of Concerned Teachers na tuluyan ng bumaba ang bilang ng mga nagnanais na maging guro sa mga susunod na panahon.

Ito ay dahil na rin sa problemang kinakaharap ng mga guro na salat sa suporta ng pamahalaan.

Ayon kay Raymond Basilio, Secretary General ng ACT-PHLS, maraming mga guro ang pinipili na lamang na mag domestic helper sa ibang bansa kaysa ang magturo.

Dahil narin sa mababang pasweldo, salat rin sa kagamitan para makapagturo ng maayos at maiangat ang antas ng edukasyon sa bansa.

Sinabi naman ni Vladimir Quetua ng ACT-NCR union, maraming mga teacher ang pinipili na lamang na mag sales lady sa mga mall, o kaya pumasok sa mga call center dahil na rin sa liit ng pasweldo.

Ang grupo ay humihirit ng 16k pesos para sa SG (Salary Grade) 1 na teacher, 30k pesos para sa teacher 1 at 31k pesos para sa instructor.

Tiniyak naman ng ACT na sa kabila na maraming problemang kinakaharap ang mga guro, ginagampanan pa rin nila ang kanilang tungkulin na hubugin ang mga batang pinoy na pakikinabangan ng lipunan.

Read more...