Na-recover na ng aktres na si Kris Bernal ang kaniyang Instagram account matapos ma-hack nang ilang araw.
Gamit ang account, nag-post si Kris ng larawan para ipaalam sa kaniyang mga tagahanga at follower na maayos ang kaniyang account.
Aniya, inilathala ng aktres kung paano niya, katuwang ang GMA network, sinubukang maibalik ang kaniyang mga account.
Tatlong beses aniya nilang sinubukang ma-recover ang kaniyang mga social media account.
Ilang beses din aniyang sinubukang ma-access ng mga hacker ang mga account sa kabilang ng mga security codes na nilagay dito.
Dagdag pa nito, wala rin aniyang tigil sa pagpapadala ng mensahe at tawag ang mga hacker sa kanya.
Matatandaang na-hack ang mga social media at email account ni Kris ng hindi pa nakikilalang grupo sa Turkey noong araw ng Linggo, September 22.
