Mga kotong na BI officials tiyak na sisibakin sa puwesto o papatayin ayon kay Pangulong Duterte

Isang strict order ang inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taga Bureau of Immigration na masasangkot sa pangongotong o korapsyon.

Ayon kay Pangulong Duterte, sibak sa puwesto o kamatayan lamang ang paglalagyan ng mga kotong na BI officials.

Ayaw kasi ng pangulo na nasisira ang gobyerno dahil lamang sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Batid ng pangulo na ang mga taga immigration ang may hawak sa mga aliens o sa mga dayuhan na nasa Pilipinas.

Pagtitiyak ng pangulo, poprotektahan ng pamahalaan ang lahat ng dayuhan na nasa bansa.

Read more...