Senado hinamon ni Rep. Defensor na disiplinahin ang kanilang mga miyembro

Ipinadidisiplina ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor sa liderato ng Senado ang mga miyembro nito.

Ayon kay Defensor ang akusasyon ni Lacson sa Kamara ay hindi maganda sa institusyon at maging sa mga miyembro nito ngayong 18th Congress kung saan 30 percent dito ay pawang mga baguhan.

Hindi aniya patas para sa mga ito ang paratang ng senador sapagkat ang 2020 proposed national bugdet ay inihanda noon pang nakaraang taon.

Bukod dito, binigyan diin ni Defensor na ang inaprubahan General Appropriations Bill (GAB) ay walang lump sum bagkus sinasalamin lamang nito ang isinumiteng National Expenditure Program (NEP) ng ehekutibo.

Ang pahayag ni Defenaor ay matapos paratangan ni Sen. Penfalo Lacson ang Kamara nang pagsingit ng ilang bilyong pisong pork barrel funds sa ilalim ng P4.1-trillion proposed 2020 national budget.

Read more...