Panukala na magpapababa sa age of retirement ng mga kawani ng pamahalaan aprubado na sa komite sa Kamara

Lusot na sa House Committee on Government Enterprises and Privatization ang panukala na ibaba ang retirement age ng mga government employees sa 56 taong gulang mula sa kasalukuyang 60 taong gulang.

Layunin ng panukala na ma-enjoy ng mas maaga ng mga retiradong empleyado ang kanilang buhay kasama ang pamilya.

Kung ibababa sa 56 ang retirement age ng mga kawani ng gobyerno, magkakaroon din ng mas maraming employment opportunities sa mga nais na magtrabaho sa pamahalaan.

Hindi na rin kakailanganin na kumayod ng matagal ang mga empleyado ng pamahalaan para lamang ma-enjoy ang kanilang retirement benefits.

Sa susunod na Linggo ay inaasahang maisasalang na ito sa plenaryo sa ikalawang pagbasa matapos na maaprubahan ng komite.

Siyam na panukala ang inihain na layong amyendahan ang RA 8291 o Government Service Insurance System (GSIS) Act of 1997.

Read more...