Darwin Dormitorio ginamitan ng taser ayon sa Baguio City police

Ginamitan ng taser si Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio.

Ang taser ay naglalabas ng kuryente na layong pansamantalang iparalisa ang taong paggagamitan nito.

Ayon kay Police Col. Allan Rae Co, Baguio police director, ang ilan sa nakitang pinsala sa katawan ni Dormitorio ay maaring dahil sa taser.

Ang taser ay isinuko ng mga iniimbestigahang kadete na sangkot sa hazing kay Dormitorio.

Dagdag pa ng pulisya, ginamit ang taser kay Dormitorio noong gabi matapos siyang ma-discharge sa PMA Hospital nang ma-diagnose na mayroon siyang urinary tract infection.

Read more...