Dalawa pang kadete ng PMA sangkot sa pagkamatay ni Darwin Dormitorio

Dalawa pang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ang sangkot sa hazing kay Darwin Dormitorio.

Ayon kay Police Col. Allan Rae Co, Baguio police chief, ang dalawa ay kapwa upperclassmen ng PMA.

Sinabi ni Co na ang dalawa pang kadete ay kapwa Third Class cadets at may direktang partisipasyon sa pagpapahirap kay Dormitorio.

Ito ay matapos ang pagkawala ng combat boots na ibinigay sa pangangalaga ni Dormitorio.

Hindi pa naman muna inilabas ng PNP ang pangalan ng dalawa.

Sa unag ng PNP Baguio, kinilala ang unang tatlong suspek na sina Cadet 1st Class Ray Sanupao at Cadets 3rd Class Shalimar Imperial at Felix Lumbag.

Read more...