Chynna Ortaleza isinilang na ang ikalawang anak nila ni Kean Cipriano

Nanganak na si Chynna Ortaleza sa ikalawang anak nila ni Kean Cipriano.

Ibinahagi nina Kean at Chynna ang larawan ng kanilang baby boy na si ‘Salem’ sa kani-kanilang Instagram account.

Sa kaniyang post, naglagay ng caption si Chynna na “Welcome my dearest boy!”.

Ikinasal ang dalawa noong 2015 at ang panganay nilang anak na babae na si “Stellar” ay tatlong taong gulang na.

Read more...