Antas ng tubig sa Angat dam muling nabawasan
Muling nabawasan ang antas ng tubig sa Angat dam at iba pang dam sa Luzon.
Ayon sa PAGASA Hydrology Division, ang antas ng tubig sa Angat dam ngayong alas-6 ng umaga ng Huwebes
(September 26) ay nasa 191.20 meters mas mababa sa 191.43 meters kahapon ng umaga.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 78.55 meters ngayong alas-6 ng umaga mas mababa sa
78.57 meters kahapon ng umaga.
Samantala, nabawasan rin ang antas ng tubig ng Ipo, Ambuklao, Magat at Caliraya dams.
Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Binga, San Roque at Pantabangan dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.