World’s largest single-building airport terminal binuksan na sa China

Pinasinayaan ni Chinese President Xi Jinping ang Daxing International Airport sa Beijing kahapon, araw ng Miyerkules.

Ang naturang mega airport ay nagkakahalaga ng $11 billion at itinuturing na ‘world’s largest terminal in a single building’.

Hugis starfish ang terminal building at ang buong paliparan ay may sukat na 700,000 square meters o katumbas ng 98 football fields.

Ayon sa Airport Council, ang kasalukuyang Beijing Capital International Airport ay ang world’s second busiest airport at ginagamit ng 100 milyong pasahero.

Dahil dito, kailangang-kailangan na ang Daxing airport para bawasan ang pressure ng main airport.

Sa pagbubukas ng bagong paliparan, humanay na ang Beijing sa iilang lungsod sa mundo na may two-long haul international airports kabilang ang New York at London.

Read more...