Ayon sa industry sources, posibleng umabot hanggang P5 kada kilogram ang taas-presyo ng LPG.
Ito ay “roll-over” o epekto pa rin ng pag-atake sa oil facilities sa Saudi Arabia.
Sa ngayon ay nasa mahigit P600 ang kada tangke ng regular LPG pero sa Oktubre ay tataas ito ng mahigit P700.
Pinayuhan ng Department of Energy (DOE) ang publiko na bumili na ng LPG bago matapos ang Sityembre para ang mabili ay sa presyo pa rin ngayong buwan.
Samantala, posible namang bumaba ang presyo ng produktong petrolyo batay sa resulta ng kalakalan ng imported petroleum sa unang dalawang araw ngayong linggo.
Napipinto ang mahigit P1 rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina, P0.34 sa diesel at P0.64 sa kerosene.