Sa panayam ng media kay Department of Justice (DOJ) Undersecretary and spokesperson Markk Perete araw ng Miyerkules, sinabing for immediate release ang 300 na wala namang kinalaman sa GCTA.
“These are the non-GCTA related cases for immediate release,” ani Perete.
Bumuo anya ng panel ang Oversight Committee on Corrections ng DOJ para sa pagberipika sa bawat kaso ng mga sumuko.
“The Oversight Committee on Corrections has constituted a panel to verify each and every release. We have met in the past days and will meet again this afternoon with the relevant BuCor officers whose task is to justify each and every recommendation for release,” ani Perete.
Aminado naman si Perete na hindi magiging mabilis ang proseso para sa pag-review ng prison records ng higit 300 surrenderees.
“It’s a tedious process but called for under the circumstances,” dagdag ng DOJ official.
Una nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ipag-uutos niya ang pagpapalaya sa higit 300 sumuko kapag naberepika nang hindi sila kasama sa ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Magugunitang umabot sa 2,221 ang sumuko sa ultimatum ng presidente, mas mataas ng 307 sa 1,914 na napalaya dahil GCTA.