Manila Water naibalik na ang 24-hour water availability sa mga customers

Inanunsyo ng Manila Water na 100 percent nang naibalik ang 24-hour water availability sa kanilang customers sa East Zone ng Metro Manila.

Sa pahayag ng water concessionaire, mayroon nang 7 pound per square inch of pressure ang tubig na umaabot hanggang sa ground floor.

Sa kabila ng pagbabalik ng 24-hour water availability, sinabi ng Manila Water na hindi naman pwedeng magpakampante.

Ito ay dahil hindi pa rin naaabot ng Angat Dam ang ‘ideal’ na 210 hanggang 212 meter level.

Dahil dito, pinayuhan ng Manila Water ang kanilang customers na magtipid pa rin ng tubig.

Dapat umanong mapanatili ang sapat na suplay hanggang sa mga buwan sa 2020 na may pinakamalaking demand sa tubig.

“We are now at 17 days running of 24-hour water availability to 100% of our customers. But while we have increased our efficiencies, and the technical solutions we have put in place are ensuring we are able to distribute the still-limited supply as equitably as we can, we cannot rest and let our guard down. The water supply situation remains volatile as Angat Dam continues to struggle to reach the ideal 210 to 212-meter level by end of 2019. We encourage our customers to continue using water wisely and responsibly, to help ensure ample supply moving forward to the peak demand months of 2020,” ayon kay Manila Water Chief Operating Officer Abelardo P. Basilio.

Hanggang alas-6:00 kahapon ng umaga, nasa 191.43 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam, malayo pa rin sa normal high water level na 210 meters.

Nanatili sa 40 cubic meters per second (CMS) ang water allocation ng National Water Resources Board para sa Metro Manila concessionaires, mas mababa sa normal volume na 46 CMS.

 

Read more...