Ang go signal ng PBA ay makalipas ang tatlong buwan nang bigyan ito ng liga ng indefinite suspension.
Sa ulat ng Spin.ph, nagpulong sina Abueva, PBA commissioner Willie Marcial at ilang opisyal ng kanyang koponan at ng liga.
Ayon kay Marcial, pinayagan niya ang hiling ni Abueva na mabalik na sa practice ng Phoenix.
Ikinatwiran anya ng player na tumataba na ito kaya kailangan na muling maglaro para bumalik ang pangangatawan.
Pero kahit pwede nang sumama sa practice ng kanyang team, wala pang timetable kung kailan pwedeng bumalik si Abueva sa PBA.
Kailangan umanong dumaan si Abueva sa tamang proseso at may mga kundisyon pa para matanggal ang kanyang suspensyon.
Matatandaang sinuspinde si Abueva matapos nitong tirahin si Terrence Jones ng TNT at naging pasaway ito sa paglalaro sa ibang liga bukod sa PBA.
Inireklamo rin si Abueva ng asawa nito ng umanoy pananakit, bagay na kanyang itinanggi.