Abaya, hindi sisibakin sa puwesto

 

Mananatili pa rin bilang Kahilim ng Department of Transportation and Communications Secretary Joseph Emilio ‘Jun’ Abaya.

Ito’y sa kabila ng panawagan na sibakin na ito sa puwesto ni Pangulong Benigno Aquino III dahil sa matinding problema sa traffic at transportasyon sa Metro Manila.

Una nang umingay ang mga balitang aalisin na si Abaya sa puwesto ng Pangulo makaraang ipatawag ito sa Malacañang kamakailan.

Gayunman giit ni Abaya, hindi napag-usapan sa kanilang pulong ng Pangulo ang isyu ng kanyang pagbibitiw sa puwesto.

Tanging ang usapin ng mga bagong bagon ng MRT na nakatakdang ideliver ng isang Chinese manufacturer sa 2017 aniya ang kanilang napag-usapan ng Pangulo at wala nang iba pa.

Matatandaang unang nanawagan si Sen. Grace Poe kay Pangulong Aquino na palitan na ang Kalihim dahil sa hindi pa rin nalulutas na problema ng MRT.

Gayunman, kinontra ito ni LP political affairs chief Rep., Edgar Erice sa pagsasabing hindi alam ni Poe ang kanyang mga sinasabi.

Paliwanag ni Erice, nang ginagawa pa lamang ang MRT, ay wala ang Senadora sa Pilipinas at naninirahan sa Amerika.

Read more...