Pangulong Duterte sa ‘ninja cops’: “Mauuna kayong mamatay”

Sinopla ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tinatawag na ‘ninja cops’ o mga pulis na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.

Sa talumpati sa corporate launch ng isang real estate developer sa Parañaque, binantaan ng pangulo ang mga ninja cops na pawang diyos ang tingin sa mga sarili.

Ayon sa pangulo, mamamatay ang lahat sa mundong ito pero mauuna ang mga kriminal na pulis.

“But there are some people, like policemen, you have to beg then they arrest. At it again, and they sell drugs and they go scot-free and they think that they are the lords of this country. Well, I’m sorry to tell you, everybody dies in this world but you you will go ahead first. Remember that,” ani Duterte.

Sinabi pa ni Duterte na huwag pakampante ang masasamang tao dahil lahat ng tao sa mundong ito ay masasama.

“And to the human rights, remember this rule, for those who are evil, do not ever think that you are the only one who is evil, for all of us in this world are evil,” dagdag ni Duterte.

Hindi anya siya magdadalawang isip na maging masama kung pipigilan ng masasamang tao ang pag-unlad ng bansa

“I would not hesitate to be evil if you start (stop) making my country progress and develop, so that my people, our children, can enjoy the benefits of a good life” banta ng presidente.

Una nang ibinunyag ni dating PNP – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong na isang ‘high-ranking official’ ang nagbibigay proteksyon sa mga ninja cops.

Sinabi naman nina Senador Bong Go at Richard Gordon na nakatakdang isapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng 22 ninja cops.

 

Read more...