3 pakete ng shabu nakuha sa kulungan sa Albay

Nasamsam ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu sa loob ng isang kulungan sa Legazpi City, Albay Miyerkules ng tanghali.

Ayon kay Police Capt. Dexter Panganiban, tagapagsalita ng Albay police, nakuha ang ilegal na droga matapos magsagawa ng search operations sa piitan pasado 12:00 ng tanghali.

Nakuha ang shabu sa presong si Nicanor Lozano Sr., 61-anyos.

Nagsimulang makulong si Lozano noong buwan ng Agosto.

 

Read more...