Marcos Highway sa Benguet maaari nang madaanan

Maaari nang madaanan ng mga motorista ang Marcos Highway sa Benguet.

Sa abiso ng Department of Department of Public Works and Highways – Cordillera Administrative Region Regional Office, pansamantalang isinara ang kalsada matapos magkaroon ng landslide sa bahagi ng Sitio Begis sa Barangay sa bayan ng Tuba bandang 6:00, Miyerkules ng gabi.

Nag-abiso naman ang kagawaran sa mga motorista na maging maingat sa pagdaan sa nasabing kalsada.

Patuloy pa rin kasi ang isinasagawang clearing operations sa lugar.

 

Read more...