Darwin Dormitorio binugbog dahil sa nawawalang boots

JIGGER J. JERUSALEM / Inquirer Mindanao

Dahil lamang sa nawawalang boots ay binugbog ang PMA cadet na si Darwin Dormitorio.

Ayon kay Col Allen Rae Co, hepe ng Baguio Police Provincial Office, binugbog si Dormitorio dahil nawawala ang combat boots ng kasama nitong isang first class cadet.

Nabatid na ang combat boots ay pag-aari ni Cadet 1st Class Axl Ray Sanupao at ipinatago ito kay Dormitorio.

Pero nawala umano ang boots at nang nalaman ito ni Sanupao ay ipinaubaya nito si Dormitorio kina 3rd class cadets Shalimar Imperial at Felix Lumbag na pangunahing suspect sa pambubugbog sa biktima.

Sa susunod na linggo ay sasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Hazing Law ang naturang mga kadete.

 

Read more...