Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kagawaran na dapat ding protektahan ang mga sanggol sa mga sakit na diphtheria, pertussis at tetanus sa pamamagitan ng pagpapabakuna.
Sinabi ng DOH na hindi lamang tigas at polio ang tutukan ng mga magulang.
Sa tala ng kagawaran, umabot na sa 167 ang naitalang kaso ng diphtheria sa bansa mula Enero hanggang Setyembre.
Sa nasabing bilang, 40 kaso ang nasawi.
Mas mataas ito ng kumpara sa naitalang 122 na kaso at 30 nasawi noong 2018.
Maliban sa bakuna, sinabi ng kagawaran na mayroon ding nakahandang antibiotics kontra sa sakit.
Tiniyak naman ng DOH na patuloy ang pagtutok ng kagawaran sa mga kaso ng diphtheria sa bansa.
Magsasagawa rin anila sila ng imbestigasyon kung ano ang rason ng pagdami ng kaso ng nasabing sakit.