“Drug Queen” ng Maynila nasa US kasama ang pamilya ayon sa NCRPO

File photo

Hinikayat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang tinaguriang “drug queen” sa Maynila na umuwi ng Pilipinas.

Sa isang press conference, sinabi ni NCRPO chief Major General Guillermo Eleazar na dapat harapin ni Guia Gomez Castro ang mga kinakaharap na kaso laban sa kaniya.

Maliban dito, hinikayat din ng NCRPO chief ang asawa na si Dennis Castro at pamilya na bumalik ng Pilipinas.

Sinabi ni Eleazar na patuloy ang isinasagawang case buildup laban kay Castro.

Matatandaang sinabi ng opisyal na nasa labing-anim na pulis ang konektado sa umano’y illegal drug operations ni Castro.

Read more...