MMDA naghahanap ng 300 mga bagong traffic personnel

Inquirer file photo

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bukas ang kanilang ahensya para sa gustong mapabilang sa hanay ng kanilang traffic personnel.

Ayon kay MMDA Spokesperson at Assistant Secretary Celine Pialago na 300 na bagong traffic personnel ang kanilangan ng MMDA.

Ang kwalipikado anya para sa posisyon ay dapat nasa 35-anyos; at least dalawang taon sa kolehiyo; may taas na 5’4 pataas para sa mga lalaking aplikante at 5’2 pataas sa mga babae.

Sinabi ni Pialago na ang mga interesado ay personal na pumunta sa MMDA office at magdala ng Transcript of Record (TOR), Barangay Clearance, NBI Clearance, Birth Certificate at resume na may 1X1 picture.

Aniya maraming natanggal na mga traffic personnel sa MMDA dahil nasangkot ito sa mga iba’t ibang kaso tulad ng kurapsyon.

Read more...