P700-M inilaan ng NFA para sa pagbili ng palay sa Bicol region

Naglaan ang National Food Authority (NFA) ng P700 Million na pondo para bumili ng palay sa mga magsasaka sa Bicol region.

Ayon kay Henry Tristeza, direktor ng NFA Bicol, posibleng maglaro ang halaga ng kada kilo ng palay mula sampu hanggang labing-siyam na piso.

Depende aniya ito sa kalidad ng mga ibebentang palay ng mga magsasaka.

Samantala, madaragdagan nang lima ang walong NFA station sa probinsya simula sa Oktubre hanggang Disyembre.

Nauna nang inireklamo ng mga magsasaka ang mababang pagbili sa kanilang mga aning palay dahil sa pagpasok sa bansa ng mga imported na bigas.

Read more...