Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na lumabas sa paunang ulat sa kanilang imbestigasyon na dahil sa malakas na alon na tumama sa dragon boat dahilan para maaksidente ito.
Basi sa ulat ng PCG nagsasagawa ng pagsasanay ang 21 miyembro ng Boracay Dragon Force Team sa karagatan ng Sitio Lingganay, Barangay Manoc-Manoc, Boracay Island, Malay Aklan bandang alas-07:40, Miyerkules ng umaga, nang mangyari ang aksidente kung saan pito ang nasawi.
Sinabi ng pamunuan ng PCG na nagpapagaling na ang 14 na nalaligtas sa Saint Gabriel Hospital.
Ilalabas naman ng nasabing ahensya ang mga pangalan ng mga nasawi sa susunod na 24 oras.
MOST READ
LATEST STORIES