Credit card at Bank hackers maari nang maparusahan ng habang buhay na pagkakakulong

Lalo pang binigatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang parusa sa mga sangkot sa skimming sa credit cards pati na ang mga hackers sa bangko.

Base sa nakasaad sa Republic Act 11449 na nilagdaan ni Pangulong Duterte habang buhay na pagkabilanggo na ang maaring kaharapin sa mga sangkot sa skimming at bank hackers.

Itinuturing kasi ng bagong batas na isa nang heinous crime ang paggamit ng access devices para makapandaya at dapat nang mapatawan ng pinakamataas na parusa.

Bukod sa habang buhay na pagkabilanggo, pagmumultahin rin ang sangkot sa skimming at bank hackers ng P5 milyon.

Nakasaad pa sa batas na maituturing economic sabotage kasi ang mga nabanggit na krimen.

Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang bagong batas noong August 28.

Magiging epektibo ang bagong batas 15 araw natapos mailathala sa mga malakaking pahayagan.

Read more...