Mga suspek sa pagpatay sa transwoman sa Pangasinan sumuko na

Hawak na ng mga otoridad ang mga suspek sa pagpatay sa isang transgender woman sa Pangasinan.

Ayon kay Col. Redrico Maranan, hepe ng Pangasinan Police Provincial Office, sumuko sa mga otoridad sina Isagani Dollaga at Michael Orpano.

Ang mga suspek ay dinala sa Bolinao Police station na humahawak sa imbestigasyon.

Ang biktimang si Jessa “Jestoni” Remiendo ay natagpuang walang buhay sa isang resort sa Barnagay Patar sa Bolinao noong Sept. 17.

Base sa imbestigasyon, sinakal si Remiendo at nakitaan din ng sugat sa kaniyang mata.

Hindi pa naman binanggit ng mga otoridad kung ano ang motibo ng dalawa sa pagpatay.

Read more...