Tinaguriang “drug queen” sa Maynila kumpirmadong nakalabas na ng bansa – BI

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nakalabas na ng bansa ang tinaguriang “drug queen” sa Maynila.

Base sa travel records ng ahensya, sinabi ni Immigration spokesperson Dana Sandoval, kamakailan lamang nakaalis ng bansa si Guia Gomez Castro.

Napayagan aniyang makaalis ito ng bansa dahil wala naman itong derogatory records.

Una nang tinukoy ng National Capital Region Police Office na ang naturang “drug queen” ay nagkaroon pa ng posisyon sa barangay sa Maynila.

Mayroon din umano itong mga protektor na pulis.

Si Manila Police District Chief Brig. Gen. Vicente Danao naman ang tumukoy sa pangalan ng “drug queen”.

Read more...