Philippine Dragon Boat Federation nagpa-abot ng pakikiramay sa pagkawsawi ng 7 miyembro ng Boracay Dragon Boat Team

Nagpaabot ng pakikiramay ang Philippine Dragon Boat Federation o PDBF sa sinapit ng pitong miyembro ng Boracay Dragon Boat Team.

Sa isang statement, sinabi ng PDBF na napakalungkot ng sinapit ng kanilang mga kasama.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang grupo sa pamilya at mga kaibigan ng pitong nasawi sa baglubong ng bangka sa Boracay.

Sa inisyal na ulat na nakarating sa PDBF, lumubog ang 20-seater dragon boat ng Boracay Dragon Boat Team habang nagsasagawa ng training.

Nakatakda sanang sumali sa international competition ang grupo.

Read more...