Tatlong kadete ng PMA na nasa ospital, maayos na ang kondisyon – AFP

Stable na ang kondisyon ng tatlong na-ospital na kadete ng Philippine Military Academy (PMA).

Ayon kay Brig. Gen. Edgard Arevalo, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang tatlo na naka-confine sa ospital ay pawang 4th class cadets na hinihinalang na-maltrato.

Isa sa kanila ay inilipat sa St. Luke’s Hospital sa GLobal City.

Ito ay dahil may mga pagsusuri pang kailangang isagawa sa kaniya kabilang ang pancreatic tests.

Pero ani Arevalo, maayos na ang kondisyon ng tatlo at malayo na sa panganib.

Read more...