MILF leader at dalawa niyang kasama nakatakas sa drug raid sa North Cotabato

Sinalakay ng mga otoridad ang dalawang bahay sa Kabacan, North Cotabato at nakumpiska ang aabot sa P90,000 halaga ng ilegal na droga.

Ayon kay Director Naravy Duquiatan, hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Soccsksargen, target sana ng operasyon si Unson Baliwan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ang mag-asawang sina Paolo at Narcisa Baculodan.

Pero nagawang makatakas ng tatlo nang dumating ang mga tauhan ng PDEA.

Kasama ng PDEA sa operasyon ang mga tauhan ng Kabacan police at 602nd Infantry Brigade ng Philippine Army.

Si Baliwan ay kilala rin bilang Commander Omerta ng MILF at naka-base sa Kabacan.

Nakuha sa bahay ni Baliwan ang P40,800 na halaga ng shbau, habang sa bahay ng mag-asawang Baculodan ay may nakuhang P47,600 na halaga ng shabu.

Read more...