Water level ng Angat dam nabawasan sa nakalipas na magdamag
By Dona Dominguez-Cargullo September 25, 2019 - 07:04 AM
Nabawasan sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.
Sa datos ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Miyerkules, Sept. 25 ay nasa 191.43 meters ang water level sa Angat.
Nabawasan ito kumpara sa 191.56 meters kahapon ng umaga.
Nabawasan din ang water level ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 78.57 meters.
Maging ang Ambuklao, Magat at Caliraya ay pawang nabawasan ang water level.
Nadagdagan naman ang San Roque, Binga, at Pantabangan.
Habang walang pagbabago sa water level ng Ipo dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.