Kakapusan sa frozen sperms sa France pinangangambahan

Pinangangambahang magkaroon ng sperm shortage sa France sa sandaling maaprubahan na ang bagong batas tungkol sa in-vitro fertilization (IVF).

Sa ilalim ng nasabing batas ay papayagan na ang mga single na babae at lesbian couples na magkaroon ng access sa IVF at aalisin din ang probisyon kung saan pwedeng itago ng donors ang kanilang pagkakakilanlan.

Sa isinagawang National Assembly ng mga mambabatas au isinailalim na sa debate ang bioethics bill.

Base sa kasalukuyang batas na umiira sa France, ang IVF ay pwede lamang ma-access ng opposite-sex couples dahil sa infertility o banta ng sakit na sexually transmitted o medical condition na maaring maidulot sa bata o magulang n g pagbubuntis.

Ngayon pa lamang na hindi pa naaaprubahan ang bagong batas ay mataas na ang demand sa IVF sa France at umaabot sa isang taon ang waiting time ng mag-asawa pagkatapos nilang magparehistro.

Kapag naipasa ang bagong batas, inaasahang mababawasan ang donors ng sperm dahil hindi na nila maitatago ang kanilang pagkakakilanlan.

Ang bioethics bill ay isa sa campaign promise ni President Emmanuel Macron.

Read more...