Lalaki arestado sa Bukidnon; P80K na halaga ng shabu nakumpiska

Arestado ng ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Valencia City, Bukidnon.

Katuwang ng PDEA Regional Office 10 sa isinagawang operasyon ang mga tauhan ng Bukidnon Police Provincial Office.

Target ng operasyon ang suspek na si Bebot Sedon, na drug personality sa lugar.

Nakuha kay Sedon ang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may market value na P80,000.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...